MARCH 4, 2024 | 2 COBRA NAITURN-OVER SA MENRO
SA TULONG ni Community Environment and Natural Resources Office Forester Calil A. Bantuas, MPA, pormal na naiturn-over sa tanggapan ng Kabacan Environment and Natural Resources Office ang dalawang Samar Cobra na nahuli sa bayan.
Kaugnay nito, pinuri ni Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman ang nagsurrender ng nasabing ahas na si CVM Student Erben C. Pitogo.
Aniya, bagamat may pinsalang dulot ang nasabing mga uri ng ahas, mainam na huwag itong patayin at iturn-over na lamang sa kinauukulan lalo’t may ginagampanan din ang mga ito sa ecosystem.
Samantala, inaasahan namang pakakawalan ang mga nahuling ahas mula sa Sunrise Street at Bonifacio Street sa parte ng Ligawasan Marsh sa Brgy. Cuyapon.
Paliwanag ng CENRO kung bakit ito sa Ligawasan pakakawalan dahil umano sa maayos na Bantay Pawas group na nagbabantay ng wildlife at ecosystem sa nasabing lugar.
Hinikayat naman ni Mayor Gelyn ang publiko na sa oras na makakita ng ano mang uri ng ahas ay agad na makipag-uganayan sa tanggapan ng MENRO upang agad itong maaksyonan.
Dagdag pa ng alkalde, ang bawat ahas ay may katangiang kapag nadisturbo ang kanilang tirahan ay doon ito manlalaban.