MARCH 4, 2024 | COUNTERPART PROJECT SA BRGY NAGPAPATULOY
Ayon kay Punong Brgy. Crispin Tangalin, hindi nila lubos maisip na sa kaunting fuel subsidy o counterpart ng konseho ay ganito kalaki ang matatanggap nilang suporta.
Naniniwala naman si Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman na malaki maibibigay nitong ginhawa sa mga residente at ganoon na rin sa mga magsasaka.