Paglalagay ng Stickers sa mga trisicad at tricycles at pagbibigay ng IDs sa mga drivers, isinusulong!

Nagpapatuloy ang pagbibigay ng mga stickers at pagkuha ng Identification Cards ng mga drivers upang masiguro ang seguridad ng Riding Public. Ang inisyatibong ito ginagawa ng LGU Kabacan sa pamumuno ni Hon. Mayor Herlo P. Guzman, Jr. upang bigyang seguridad ang mga tao.

Nagsimula ang pagbibigay ng stickers at IDs sa mga drivers noong Pebrero 3, 2014 at magtatapos sa katapusan ng Marso 2014.  Bago pa man maibigay ang ID at sticker ng driver, dadaan muna ito sa isang orientation hinggil sa mga batas at sistemang pinapairal sa Trapiko sa bayan ng Kabacan.

Ayon pa kay Ret. Col. Antonio Peralta, ang Peace and Security Consultant ng LGU Kabacan, ang sistemang pinapairal ngayon ay isa sa mga paraan na mabigyang seguridad ang bayan ng Kabacan.IMG_1635

Ipinapanawagan ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Kabacan sa riding public na kung maaari sumakay lamang sa mga tirsicads at tricycles na may stickers at IDs ng drivers.

0 Comments

Leave a reply

Or