MARCH 4, 2024 | MAYOR EPG SALUDO SA KAPULISAN MATAPOS MAY NAHULING MAY DALANG ARMAS

PINURI ni Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman ang tanggapan ng Kabacan Municipal Police Station, mga BPAT, at 3rd PCMFC sa pagkakahuli ng isang indibidwal na may dalang kalibre 45 baril.

Ayon sa hanay ng kapulisan, nagsasagawa ng regular choke point ang mga ito sa Sitio Lumayong, matapos ang nahuling indibidwal ay kahinahinalang huminto sa hindi kalayuan.

Nang ito’y lapitan agad na nakita ang nakausling baril na kargada ng bala at agad nila itong dinakip batay na rin sa kampanyang panatilihin ang kapayapaan at paglabag narin sa RA 10591.

Maayos umanong sumama ang lalaki sa himpilan at aminado itong walang dokumentong dala kaugnay sa baril na dala nito ganoon na rin sa dokumentong magpapatunay sa motor na gamit nito.

Kinilala ang nasabing lalaki na si Allan Labing Buat, 31, residente ng Brgy. Cuyapon, Kabacan.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng kapulisan ang lalaki habang isasailalim naman sa ballistic test ang baril na nakumpiska.

Samantala, kinilala ni Mayor Gelyn ang patuloy na ginagawa ng mga pulis upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bayan. Ganoon din ang pagsaludo nito sa mga BPAT na kaagapay ng pulis at LGU sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

#SerbisyongRamdamTapatatTotoo

#UnladKabacan

#SerbisyongTotoo

#SerbisyoAtMalasakit

#PNPKakampiMo